This blog is not mainly about food, cooking and recipes. It's just about anything.

Saturday, July 31, 2010

Kailangan Tgalog

Tatlong araw na palaging pagkain labas ang aming kinakain mag-asawa. Bakit? ...dahil may mga bisita kami ngayong inaalagaan, labing dalawa silang lahat at sila ay mga taga Inglatera. Ang gusto nilang pagkain ay panay tinapay, prutas, pasta at pizza. Hinde ako gaanong makarelate kasi ang gusto ko ay pagkaing Pilipino. Nung una ay natuwa ako kasi makakain din kami ng mga pagkain na ganun... pero ngayon ay di na ako masyadong natutuwa dahil na mimiss ko na ang pagkain ko. hay! labin-apat na araw sila magtatagal dito, kaya ganun din kami ng asawa ko.
Sana makayanan ko ito!

No comments: